MENU

National Fisherfolk Day resized

Taos pusong nakikiisa ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) sa pagdiriwang ng ika-22 taong selebrasyon ng Araw ng mga Mangingisda ngayong ika-31 ng Mayo, 2022.

Sa kabila ng panganib na dulot ng pandemiya, tuloy-tuloy ang sipag at dedikasyon ng ating mga mangingisdang Pilipino upang makapaghatid ng sapat na suplay ng pagkain para sa lahat. 

Hindi matatawaran ang inyong katapangan at katatagan sa kabila ng malalakas na hampas ng alon ng buhay. Kayo ang simbolong nagpapatunay na kahit sa pinakamadilim na gabi ay may liwanag na naghihintay patungo sa mas masaganang kinabukasan.

Bilang isang ahensya na buo ang suporta sa mga mangingisdang Pilipino, kasama ninyo ang PFDA sa pagharap sa bawat pagsubok upang sama-sama nating salubungin ang bawat araw na sisikat.